Wednesday, June 15, 2011

Bentesais

It's been a while! Hehehe.. define awhile?! May isang buwan lang naman ata akong di nakapag update ng blog. Kung hindi sobrang busy ako, e tinatamad akong magsulat kahit na gustong guston ko ng magdagdag ng entry. Natatandaan ko i think 2 weeks ago, nagta-type nako ng bagong blog, actually nasa kalagitnaan nako. Hindi ko naman alam kung anong dumapo sakin at biglang tinamad akong ituloy yon.. and i am trying it again. Hahaha. (Pag naipost ko to, success!)

Anyway, I've been wanting to write something about what's new. What's new sa akin, maybe sa trabaho, sa buhay may-asawa, sa mga bagong kong trip sa buhay, kahit anong bago. Sa pagkakatanda ko, un na ung sinusulat ko last time.. na bigla na lang akong tinamad i-post. (Second attempt, ayoko ng paulit ulitin pang tinamad akong ipost ung last attempt ko at baka di ko na rin maipost toh!) =P

So, gusto kong mabigyan ulit ang sarili ko ng break para naman makapag post ulit ako. (Hindi katulad ng iba jan, nagkaron lang ng gaming shop e natigilan na rin! Huy karmilo! - miss na kita mare! Alabyu!) Minsan nabubuksan ko lang tong blog ko para lang tignan ang mga update ng ibang pina-follow ko na blogs. At naasar ako pag nakikita ko na ang last post ko ay si Sheenah pa rin! Hehe..

I think maganda kung inuumpisahan ko na ang totoong ilalaman netong entry na ito.

Anu nga ba ang mga bago o pagbabago sa buong pagkatao ko pagkalipas ng ilang buwan?

1.Pagakatapos kong maexpose sa maraming iba’t ibang blogsites, napagisip-isip kong medyo boring ang ingliserang blog. Hehe.. (para sakin ha?!) May mangilan ngilan din akong sinusubaybayang blogs na nakakaaliw lalo na pa gung dating eh nakikipagkwentuhan lang sila sa akin. Parang pang formal theme writing kase at seryoso pag inglisero ang blog.

Meron din naman akong mga nagugustuhang blogs na ingles. Siguro depende sa topic. Pero kasi nung ginawa ko tong blogsite na to, wala akong solid na taget kung para saan talaga to. Una naisip kong gumawa ng isang recipe blog, kaya sa umpisa puro pagkain ang post ko. Naging parang facebook wall na update tungkol sa buhay buhay ko, meron ding mga entry na survey, at kung anu ano pa. At ngayon, nagbago na naman ng mood ang blogsite ko.

2.Isa na kong ginang. Well, sa pagkakaalam ko kasi, puro countdown lang and pinaggagagwa ko noon tapos wala ng update pagtapos ng wedding. Ultimo weddingpictures ko e diko pa naaayos. Kaya nga ang ever excited na si kumareng Carmi e wala ng bukang bibig kundi “ang fichurs asan nah???!!!” tuwing magkikita kames a chat.

Anyway, ayun nga, ginang nako. Kamusta? Hindi ko talaga maidedescribe sa isang word lang. Dahil talaga naman napakaraming emosyon, mga tuklas, mga aral, experience ang nakukuha ko sa pagaasawa. Hahaha.. Pero kung pipilitin nyo kong idescribe ang pakiramdam ng may asawa, masasabi kong nasa roller coaster siguro. Nandyan ang excitement, anticipations, adrenaline rush (oo meron talaga hahaha!), takot, laughter, rurok (rurok? Wtf?!), anger, at syempre ang importante sa lahat, kaligayahan! Woot! Try nyo!

3.Bagong hair. Eh, di naman talaga bago, kasi mahaba parin ang buhok ko, humaba na pala. Wala kasi akong balak pagupitan para kako sa Christmas party e maiistaylan ko ng Masaya tong hokbu ko (na taon taon ata ganyang ang plano ko at di naman ako nakakatiis pinapagupit ko rin) At eto na nga, dahil mahaba haba na sya (as in nasa bandang bra-line na) e nangati akong ipagupit, so nagpagupit ako, pero ung parang layered lang ng konti sa harap.

Pero hindi pa dun yon nagtapos. May nakawilihan kasi akong panooring sa youtube, si Jarmaine. Isa sa video nya ang pag gupit ng sariling bangs! Sapul.. may bang nako ngayong sampung piraso. =P

4.Nagpapapayat na ulit ako ngayon (I’m trying) hehe.. Alam ko, ilang beses ko na tong ginagawa. At dun sa ilang beses na un e nagtatagumpay naman ako noh! At dahil sa alam ko na ang mga pinaka effective ways ng pagpapapayat, di nako mahihirapan, yon eh kung di ako tatamarin. E alam ko narin kasi na mararamdaman ko din tong katamarang to oras na magsimula ako. So ang misyon ko eh maghanap ng ibang paraan na hindi ako mabobore sa pagrereduce. At sa puntong ito, sa tingin ko eh medyo effective naman ang naisip kong paraan – kumuha ng kakompitensiya! At sino yon? Walang iba kundi ang pinakamamahal kong asawa.

E pano naman kasi, nagsitabaan talaga kami pagkatapos ng kasal. At wala naman akong planong magmukhang nanay na lalo na’t wala pa kaming “mini us” (huh? E syempre kami ang gagawa non, syempre samin yon!) Isa pa, hindi naman valid reason sa pagiging mataba ang pagaasawa (para sakin ha). I think, the more na dapat conscious ka sa figure mo kasi dapat ka parin mag effort magpaganda para sa asawa mo nang hindi tumikim ng ibang ulam (ika ng ni juday).

5.Madalas na sumakit ang lower back ko. Ewan ko kung gawa ito ng pagtanda (exxag!). Pero, gaya ng dati wala parin akong time sa mga check-up chenes so… feeling ko kelangan lang ng konting corrections at nagpabili ako kay husband ng “memory foam back cushion”, hulaan from where itey? CDR-KING! Oo cdr-king nga. At gaya ng sabi ko dati, hindi nako magtataka kung isang araw ay makakita ako ng sofa na tinda nila. (Did you even know that they have tweezers? nyahahha).

6. Bente sais nako! Bow!

So yan palang muna ang mga maishe-share ko for this blog. Vavooo!

Success ang pagpost! Tyararaannn!!!

No comments:

Post a Comment