Thursday, June 16, 2011

Rebyu...

Tong blog na to e reviews (na may halong okray at emote) sa mga natitikman kong bagong mga snacks while I’m on a diet-dietan mode. Balak kong dagdagan ang entries neto as I encounter more (more? More kain? Yess!). Hindi naman necessarily about “diet snacks” ito kundi mga bago – bagong brand, bagong tuklas, bagong tikim, bagong bukas hahaha (disclaimer?)

Anyway, may time parin naman na medyo tagtakaw ako. Hinahanap hanap ko parin naman ang mga chicha. Isa sa mga araw na yon ay kahapon at ngayon. Kahapon, nakita ko itong chicha na katamtaman lang ang packaging na ang pangalan ay Soyami Soya Chips. Naintriga naman ako at mukha naman syang healthy at masarap. In search din ako ng drinks, punta ako sa ref at nakita ko ang isang bote ng gatas. Bote talaga na tansan ang takip. Ang name nya ay Vitamilk. Sounds healthy, looks healthy. Nakita ko ang price, P25 – good!

So payment sa counter, imagining na less than P50 lang ang bill ko. “Titt..” (sabi ng scanner ni ate) “titt..” (isa pa) “tsak” (enter).. [screen] Total … P72.00 ANO??? 72 pesos para sa dalawang items? Check ng receipt, P47 ang Soyami Soya Chips na mas maliit pa sa packaging ng tig-sais pesos na Oishi! Checking the package, nakita ko ring may maliit syang sticker sa upper leftmost, nakalagay “Highly recommended by Biggest Loser ek ek...” Pakelam ko naman?! Oo, kuripot talaga ako, minsan nga pinagiisapan ko pang mabuti kung bibilin ko ang P27 na Picnic in can. Para sakin lang naman e hindi naman risonable yung presyo! E di sana nag hotdog nalang ako! (paki connect?)

Well, tinikman ko din naman agad agad ang Soyami at talaga namang pang nagddyeta ung lasa nya – tinipid sa asin at wala talagang vetsin. Ultimately, lasa syang empanadang walang palaman – on a chip! Score ko, 8 out of 10 sa lasa, 1 out of 10 sa presyo.


Yung Vitamilk naman, na mukhang yummy (mahilig kase ako sa gatas), shinake-shake ko, tinanggal ang tansan using a gunting (marunong ako nun!).. anong lasa? Ehh.. para akong uminom ng lusaw na taho na walang arnibal. In short, 5 out of 10 ang score ko dito. Ang 5 points na un ay para sa pagka healthy neto. Other than that, wala na.


Kanina naman, etong 2 ang binili ko, Solara Baked Multi Grain Sticks at ang sa tingin ko e bagong flavor ng Tortillos Sour Cream and Cheese (o natikman mo na ba yan?)

Solara Baked, parang ung Pillows (ung may chocolate filling) ang texture ng sticks at very cute. Ung lasa nya, grainy talaga, though dko madetermine ung mga lasa pero cheesy ng konti (dahil cheese flavored sya) at nalalasahan ko ung corn. Ang Masaya ditto, P12 lang sya. Masarap pero medyo nakakaumay ubusin ung small pouch na kasinlaki ng mga medium Jack N Jill chips. Score ko, 6.5.. sige 7 out of 10. Masarap naman kase.


Tortillos Sour cream.. fan talaga ako ng tortillas lalu na ung red. Fan din ako ng mga sour cream flavors na pagkain. So ang chips typical na tortillas, only that it taste like buttery (siguro creamy dahil sa cream at cheese) and very little sour taste. P25 din ata ung medium size pouch. Score ko, 7 out of 10. Kase parang kalasa nya ung orange pack na tortillas. Hehe..


No comments:

Post a Comment