Monday, June 20, 2011

My Long Weekend

Ang ganda ko! Yan ang sabi ng mama ko sakin. Malamang sino pa ba naman ang magkakampihan? Hehe.. Actually, nasabi ko un kase di ko alam kung anung ii-intro ko sa blog ko today. Well, related naman pala kahit konti... naisip ko din un kase ang ganda ganda ng weekend ko! Of course, kung maganda ang weekend ko, syempre feel-good ako, at kung feel good ako e malamang I feel beautiful too. Naks!

Anyway, I really want to write about how my weekend was. Ang ganda lang kase (para sakin lang ha?). Pero kung ikkwento ko at iba ang makakabasa, feeling ko sasabihin ng makakabasa e "What's so great about it?" kasi nga mga ordinaryong pangyayari lang naman ung mga yon sa buhay ng tao. Pero para sakin, special yon.

Saturday, I came home from work at around 8:30 am. Sarado pa ang bahay, normal kase saturday, walang pasok. I ate pancit canton habang nanunuod ng tv - history channel, ang palabas e Swamp People. Eto ung mga big guys na naka motor boat sa mga ilog at nanghuhuli ng mga aligators for a living. After eating, inantok nako so natulog nako. Nagising ako bandang mga 2pm na, wala ulit akong nakitang tao sa bahay. Normal ulit kase nga sabado, usually they go out. 3 pm pa ang out ni husband sa work, so i decided to wait for him na lang.

Around 3:30 dumating na ang jowa ko (mister pala).

...

(Napapakanta ako.. ♫ We got the afternoon.. we got this rooom for two... ♪♩)

Mag aalasingko, nagluto ako at kumain kami. Yung kain kong un eh tanghalian, miryenda at hapunan ko na. Kase di na kami kumain nung kinagabihan.
Around 9 pm habang nagkkwentuhan kame, nag-aya lumabas si hubby (maisip-isip lang talaga!) as in lumabas for a drink. Sabado nights ba! E sabi ko maulan ulan, nakakatamad magcommute. Di naman kc kami pede magmototr kung iinom. So nauwi sa bumili na lang kame sa grocery store ng Bacardi. Ka-join namin ang pinsan ko, naisip ko pang magpicture picture kase namiss namin si kuya ron. Ang pinsan kong nasa SG na ngayon. Madalas din kc namin syang ka-sabado nights dati.

Around 11:30 natulog nako, tinamaan na kase ako.

Sunday, I woke up around 5:30 am.. ang ginaw ginaw! Magdamag kasing umuulan. Nagising din si hubby...

Baket? MAH! = ) tapos...

Mga alas sais, naisip namin mag almusal sa peborit naming kainan sa pembo. Naglakad lang kami papunta don habang nakapayong kasi medyo umaambon saka para makapag lakad-lakad narin. Umorder sya ng mami with egg and beef [peborit nya un] at ako naman, lugaw - lomo with egg, at tig-isang puto. Nag-jeep na kami pauwi. Nung napadaan un jeep sa simbahan, nakita nya ung nagtitinda ng kakanin sa may simbahan (3 kanto mula sa bababaan namin)...

Hubby: baba na tayo
Me: bakit?
Hubby: (nginuso ung nagtitinda)
Me: ok..
Hubby: bili tayo ng kakanin
Me: takaw mo naman!

At bumili nga kame ng tig bente sinko pesos na (syet! nakalimutan ko ulit ang tawag dun! ung orange na parang sapin-sapin?) saka palitaw. Sabay lakad pauwi.
Pagdating sa bahay, kinain namin ung kakanin. At busog na busog na ko kaya dalawang palitaw lang nakain ko. Inubos nya ung iba (takaw lang haha!)

Habang nanonood kame ng The Sorcerer's Apprentice sa StarMovies, maisip-isip na naman si husband..this time gusto nya mag mall at nababagot daw sya. "Mag date naman tayo" sabi ni husband. I liked the idea pero siguro may isang oras din kaming nagdecide kung aalis talaga at kung saan pupunta. Hanggang sa nagbibihis na kami, dun lang kame nagdecide finally na sa MOA na lang kame ppupunta, magla-lunch at manonood ng sine.

Maulan pa rin kaya nag taxi kame. Hay salamat walang traffic! To think na Fathers' Day nun at Sunday, malamang maraming naglalakwatsa.

Pagdating namin sa MOA, alas dose na. Sabi ko bumili muna kami ng ticket para makapag ikot ikot pa kame. After bumili ng ticket, gutom nako. Sabi ko sa food court na lang kame kumain para mas madaming choices. Naglalakad na kame at tumitingin tingin sa mga food na naka display, nakita ko ung Big (dko maalala kung Joe's o John's) Pizza Pasta, basta.

PIZZA PASTA! Un ung binabanggit banggit ko sa isip ko for about a month na ah! "Naneeh, pizza pasta!" (sabay nguso sa stall). Sa di kalayuan, nakita ko ang malaking bilog at makulay nilang pizza na naka display. Umorder kame ng isa nun, ung pepperonni with mushroom ek ek.. After 12 mins, tulad ng sabi ng kahera, binalikan ni husband ung orders namin.

Ayun na nga! nilantakan na namin ung 14" na pizza. Ung kalahati walang bell pepper, ung kalahati meron - akin yon. Di ko maintindihan kung bakit gutom naman ako pero napaka bagal kong maubos ung side ko. Naka 3 na sya, isa pa lang ako. AMBELIBABOL! To make the story short, 30 mins namin bago naubos ung pizza, alam kong naiinip na sya kc hindi ganun katagal ung normal naming kain. Eat and run kami eh!

Pagtapos nun, gusto nyang hanapin ung moto-world na ilang minuto pa kaming nag ikot ikot at di naman namin nahanap!
Sa pagiikot, nakakita pa kame ng mga nagfi-feeling MMA sa ground floor. The gayest thing na nakita ko on that day!. Para kasing naglaro lang sya para maka hipo sa kalaban!

At dahil 2:10 na, pumunta na kame sa sinehan. Wow! ang haba na ng pila! Ilang weeks na ba palabas tong Green Lantern at ganito parin kadami? Pagkapasok, umakyat kame sa balcony. Andami na ring nakaupo. Gusto nya sa may gilid para daw walang daan ng daan sa harapan nya. E kamusta naman, dko feel pag di naka center view sakin ang screen. So bumaba nalang kame. Dun sa may gitna pero malapit sa left isle. May mamang kalbo saharap ko at mejo mataas ung ulo nya kaya lumipat kame sa may likuran lang namen. Ok na kame dun.

Habang patalastas pa, may tumabi sakin sa right, girlaloo na may kasamang guy. Kwentuhan galore. Ang ingay nila! Humaharap pa ung babaita sa lalake na parang gusto nya ipakita ung bubelya nya!

Me: dapat sa bahay nalang sila, at nagkwentuhan noh?
Naneeh: oo. eto din nasa likod ang daming comment amp*ta!
(nasipa ata nung lalake sa likod ung sandalan nya nung dumikwatro)
Naneeh: lingon sa likod ng masama..
Me: hon.. sabay hawak sa kamay nya.
Naneeh: ang likot eh
Me: alam mo dapat nanood nlng tayo sa bahay ng DVD! (imbyerna)

Nagsimula ang palabas. May point na akala ko Star Trek pinapanood namin dahil sa itsura nung aliens, may point din na akala ko horror ung pinapanood namin! hahaha kase naman, andaming nakaka gulat na part sa umpisa palang! At nakakaramdam din ako ng nerbyos lecheng yan!

Natapos ung movie na hindi ko nakain ung baon kong Clover Chips, busog pa nga kasi ako. Si winston nakaidlip ng konti. At nung credit na, sabi ng katabi ko, "un na un?" habang sa isip ko, nasabi ko rin un. Napakamot nlng ako ng ulo.

Lumabas na kame, di na kami nag ikot-ikot kasi 5pm na. Magsisimba pa kame. Nagtaxi na kami ulit dahil ang lakas pa rin ng ulan.

Nagsimba kame ng 6pm, nakabukas ang aircon ng simbahan. Kung kelan naman bumabagyo!

Pagkauwi, gutom na ulit ako. Dun namin nilantakan ung clover ko. Then nagdinner kaming lahat sa bahay. Mga 10 natulog nako.


Hanggang dyan na lang ung kwento ko. Kasi Nacover ko naman almost lahat ng detalye ng aktibidades ko. Sabi ko nga, parang typical weekend lang ang lumipas. Pero para sakin, parang haba ng weekend ko.

Oo, araw araw kaming magkasama. Pero iba talaga yung quality time. Saka feel na feel ko kasi ung "date" namin. Ang sweet nya the whole time. Parang magbf-gf parin kame kahit 7 years na kaming magkasama. Haay!

I'm in-love with my husband. ♥

Thursday, June 16, 2011

Rebyu...

Tong blog na to e reviews (na may halong okray at emote) sa mga natitikman kong bagong mga snacks while I’m on a diet-dietan mode. Balak kong dagdagan ang entries neto as I encounter more (more? More kain? Yess!). Hindi naman necessarily about “diet snacks” ito kundi mga bago – bagong brand, bagong tuklas, bagong tikim, bagong bukas hahaha (disclaimer?)

Anyway, may time parin naman na medyo tagtakaw ako. Hinahanap hanap ko parin naman ang mga chicha. Isa sa mga araw na yon ay kahapon at ngayon. Kahapon, nakita ko itong chicha na katamtaman lang ang packaging na ang pangalan ay Soyami Soya Chips. Naintriga naman ako at mukha naman syang healthy at masarap. In search din ako ng drinks, punta ako sa ref at nakita ko ang isang bote ng gatas. Bote talaga na tansan ang takip. Ang name nya ay Vitamilk. Sounds healthy, looks healthy. Nakita ko ang price, P25 – good!

So payment sa counter, imagining na less than P50 lang ang bill ko. “Titt..” (sabi ng scanner ni ate) “titt..” (isa pa) “tsak” (enter).. [screen] Total … P72.00 ANO??? 72 pesos para sa dalawang items? Check ng receipt, P47 ang Soyami Soya Chips na mas maliit pa sa packaging ng tig-sais pesos na Oishi! Checking the package, nakita ko ring may maliit syang sticker sa upper leftmost, nakalagay “Highly recommended by Biggest Loser ek ek...” Pakelam ko naman?! Oo, kuripot talaga ako, minsan nga pinagiisapan ko pang mabuti kung bibilin ko ang P27 na Picnic in can. Para sakin lang naman e hindi naman risonable yung presyo! E di sana nag hotdog nalang ako! (paki connect?)

Well, tinikman ko din naman agad agad ang Soyami at talaga namang pang nagddyeta ung lasa nya – tinipid sa asin at wala talagang vetsin. Ultimately, lasa syang empanadang walang palaman – on a chip! Score ko, 8 out of 10 sa lasa, 1 out of 10 sa presyo.


Yung Vitamilk naman, na mukhang yummy (mahilig kase ako sa gatas), shinake-shake ko, tinanggal ang tansan using a gunting (marunong ako nun!).. anong lasa? Ehh.. para akong uminom ng lusaw na taho na walang arnibal. In short, 5 out of 10 ang score ko dito. Ang 5 points na un ay para sa pagka healthy neto. Other than that, wala na.


Kanina naman, etong 2 ang binili ko, Solara Baked Multi Grain Sticks at ang sa tingin ko e bagong flavor ng Tortillos Sour Cream and Cheese (o natikman mo na ba yan?)

Solara Baked, parang ung Pillows (ung may chocolate filling) ang texture ng sticks at very cute. Ung lasa nya, grainy talaga, though dko madetermine ung mga lasa pero cheesy ng konti (dahil cheese flavored sya) at nalalasahan ko ung corn. Ang Masaya ditto, P12 lang sya. Masarap pero medyo nakakaumay ubusin ung small pouch na kasinlaki ng mga medium Jack N Jill chips. Score ko, 6.5.. sige 7 out of 10. Masarap naman kase.


Tortillos Sour cream.. fan talaga ako ng tortillas lalu na ung red. Fan din ako ng mga sour cream flavors na pagkain. So ang chips typical na tortillas, only that it taste like buttery (siguro creamy dahil sa cream at cheese) and very little sour taste. P25 din ata ung medium size pouch. Score ko, 7 out of 10. Kase parang kalasa nya ung orange pack na tortillas. Hehe..


Anu raw? Diet?

Two weeks ago, I’ve decided to start reducing my weight again. Oo, magpapapayat na naman ako! Haha. I’ve been thinking of doing it after the wedding. Baket? Dahil yon ang tama, diba? (at least para saken) Lately kasi we’ve been so addicted to foods, na dati naman na, pero dahil ramdam ko na ang kabigatan na naman, eto, trying my best and wishing for more eagerness, inspiration at commitment!

Well, since napagdaanan ko na tong phase na to so many times already (to the point na nagiging “workaround” ko na ang pagda-diet-dietan), I know the best “workaround” for me. At bakit ko kino-quote ang workaround? Kasi ayon sa Wikipedia,

A workaround is a bypass of a recognized problem in a system. A workaround is typically a temporary fix that implies that a genuine solution to the problem is needed. Frequently workarounds are as creative as true solutions, involving outside the box thinking in their creation.

Which is mostly true for me, na kadalasan e temporary lang ang pagpapapayat ko. Pag pumayat nako e balik sa dating gawi =P

Naghanap din ako ng ways to motivate myself. Kasi naman, sa pinaka successful kong pagppapayat which was last year, ang workaround ko e mag-jogging ng mag-jogging. Hindi mo naitatanong pero mahilig ako sa mga pisikalang activities. Gustong gusto ko yung pinagpapawisan ako, napapagod, hinihingal (o, wag utak-berde!). Game na game ako sa outdoor at physically challenging activities (di lang halata). At successful naman dahil sa loob ng tatlong lingo, e nabawasan ako ng tumataginting na… 17 pounds! OO, SEVENTEEN! Around 5.66666 lbs per day. Hindi naman mahirap kung andyan sina pareng WILL at mareng DETERMINATION. So going back.. ang nahanap ko ngayong motivation ay ang humanap ng challenger. Sino pa nga ba kundi ang aking asawa. So sumabay naman kames a kausuhan ng biggest loser, only that, wala pa kaming solid plan or strategy kung pano gagawin. Basta ang alam ko e palakihan ng nababawas na timbang every week. Last week, ang pustahan naming ay ang allowance pangweekend ng matatalo. At Masaya, Masaya ngayon si hubby dahil natalo ako! Shet! No worries naman dahil hindi pa full blast ang effort ko. Ni hindi ako nageexercise, so anung ineemo-emo ko?!

Ngayong panahaon na to e di ako makapag commit fully na magjog. Kase naman aaraw-uulan ang weather naten sa hapon. Pero I’m still planning to. Pag napirme nako sa pagjojogging isususlat ko din yon.

May post din pala akong snack review. Ung mga natitikman ko habang pa-healthy mode ang drama ko.

Goodluck sa mga may balak magpapayat dahil rainy season ngayon! Baket? Rainy season = more stay sa bahay = more kain trip = less outdoor exercise!

Bow. =D

Wednesday, June 15, 2011

Bentesais

It's been a while! Hehehe.. define awhile?! May isang buwan lang naman ata akong di nakapag update ng blog. Kung hindi sobrang busy ako, e tinatamad akong magsulat kahit na gustong guston ko ng magdagdag ng entry. Natatandaan ko i think 2 weeks ago, nagta-type nako ng bagong blog, actually nasa kalagitnaan nako. Hindi ko naman alam kung anong dumapo sakin at biglang tinamad akong ituloy yon.. and i am trying it again. Hahaha. (Pag naipost ko to, success!)

Anyway, I've been wanting to write something about what's new. What's new sa akin, maybe sa trabaho, sa buhay may-asawa, sa mga bagong kong trip sa buhay, kahit anong bago. Sa pagkakatanda ko, un na ung sinusulat ko last time.. na bigla na lang akong tinamad i-post. (Second attempt, ayoko ng paulit ulitin pang tinamad akong ipost ung last attempt ko at baka di ko na rin maipost toh!) =P

So, gusto kong mabigyan ulit ang sarili ko ng break para naman makapag post ulit ako. (Hindi katulad ng iba jan, nagkaron lang ng gaming shop e natigilan na rin! Huy karmilo! - miss na kita mare! Alabyu!) Minsan nabubuksan ko lang tong blog ko para lang tignan ang mga update ng ibang pina-follow ko na blogs. At naasar ako pag nakikita ko na ang last post ko ay si Sheenah pa rin! Hehe..

I think maganda kung inuumpisahan ko na ang totoong ilalaman netong entry na ito.

Anu nga ba ang mga bago o pagbabago sa buong pagkatao ko pagkalipas ng ilang buwan?

1.Pagakatapos kong maexpose sa maraming iba’t ibang blogsites, napagisip-isip kong medyo boring ang ingliserang blog. Hehe.. (para sakin ha?!) May mangilan ngilan din akong sinusubaybayang blogs na nakakaaliw lalo na pa gung dating eh nakikipagkwentuhan lang sila sa akin. Parang pang formal theme writing kase at seryoso pag inglisero ang blog.

Meron din naman akong mga nagugustuhang blogs na ingles. Siguro depende sa topic. Pero kasi nung ginawa ko tong blogsite na to, wala akong solid na taget kung para saan talaga to. Una naisip kong gumawa ng isang recipe blog, kaya sa umpisa puro pagkain ang post ko. Naging parang facebook wall na update tungkol sa buhay buhay ko, meron ding mga entry na survey, at kung anu ano pa. At ngayon, nagbago na naman ng mood ang blogsite ko.

2.Isa na kong ginang. Well, sa pagkakaalam ko kasi, puro countdown lang and pinaggagagwa ko noon tapos wala ng update pagtapos ng wedding. Ultimo weddingpictures ko e diko pa naaayos. Kaya nga ang ever excited na si kumareng Carmi e wala ng bukang bibig kundi “ang fichurs asan nah???!!!” tuwing magkikita kames a chat.

Anyway, ayun nga, ginang nako. Kamusta? Hindi ko talaga maidedescribe sa isang word lang. Dahil talaga naman napakaraming emosyon, mga tuklas, mga aral, experience ang nakukuha ko sa pagaasawa. Hahaha.. Pero kung pipilitin nyo kong idescribe ang pakiramdam ng may asawa, masasabi kong nasa roller coaster siguro. Nandyan ang excitement, anticipations, adrenaline rush (oo meron talaga hahaha!), takot, laughter, rurok (rurok? Wtf?!), anger, at syempre ang importante sa lahat, kaligayahan! Woot! Try nyo!

3.Bagong hair. Eh, di naman talaga bago, kasi mahaba parin ang buhok ko, humaba na pala. Wala kasi akong balak pagupitan para kako sa Christmas party e maiistaylan ko ng Masaya tong hokbu ko (na taon taon ata ganyang ang plano ko at di naman ako nakakatiis pinapagupit ko rin) At eto na nga, dahil mahaba haba na sya (as in nasa bandang bra-line na) e nangati akong ipagupit, so nagpagupit ako, pero ung parang layered lang ng konti sa harap.

Pero hindi pa dun yon nagtapos. May nakawilihan kasi akong panooring sa youtube, si Jarmaine. Isa sa video nya ang pag gupit ng sariling bangs! Sapul.. may bang nako ngayong sampung piraso. =P

4.Nagpapapayat na ulit ako ngayon (I’m trying) hehe.. Alam ko, ilang beses ko na tong ginagawa. At dun sa ilang beses na un e nagtatagumpay naman ako noh! At dahil sa alam ko na ang mga pinaka effective ways ng pagpapapayat, di nako mahihirapan, yon eh kung di ako tatamarin. E alam ko narin kasi na mararamdaman ko din tong katamarang to oras na magsimula ako. So ang misyon ko eh maghanap ng ibang paraan na hindi ako mabobore sa pagrereduce. At sa puntong ito, sa tingin ko eh medyo effective naman ang naisip kong paraan – kumuha ng kakompitensiya! At sino yon? Walang iba kundi ang pinakamamahal kong asawa.

E pano naman kasi, nagsitabaan talaga kami pagkatapos ng kasal. At wala naman akong planong magmukhang nanay na lalo na’t wala pa kaming “mini us” (huh? E syempre kami ang gagawa non, syempre samin yon!) Isa pa, hindi naman valid reason sa pagiging mataba ang pagaasawa (para sakin ha). I think, the more na dapat conscious ka sa figure mo kasi dapat ka parin mag effort magpaganda para sa asawa mo nang hindi tumikim ng ibang ulam (ika ng ni juday).

5.Madalas na sumakit ang lower back ko. Ewan ko kung gawa ito ng pagtanda (exxag!). Pero, gaya ng dati wala parin akong time sa mga check-up chenes so… feeling ko kelangan lang ng konting corrections at nagpabili ako kay husband ng “memory foam back cushion”, hulaan from where itey? CDR-KING! Oo cdr-king nga. At gaya ng sabi ko dati, hindi nako magtataka kung isang araw ay makakita ako ng sofa na tinda nila. (Did you even know that they have tweezers? nyahahha).

6. Bente sais nako! Bow!

So yan palang muna ang mga maishe-share ko for this blog. Vavooo!

Success ang pagpost! Tyararaannn!!!