Ang ganda ko! Yan ang sabi ng mama ko sakin. Malamang sino pa ba naman ang magkakampihan? Hehe.. Actually, nasabi ko un kase di ko alam kung anung ii-intro ko sa blog ko today. Well, related naman pala kahit konti... naisip ko din un kase ang ganda ganda ng weekend ko! Of course, kung maganda ang weekend ko, syempre feel-good ako, at kung feel good ako e malamang I feel beautiful too. Naks!
Anyway, I really want to write about how my weekend was. Ang ganda lang kase (para sakin lang ha?). Pero kung ikkwento ko at iba ang makakabasa, feeling ko sasabihin ng makakabasa e "What's so great about it?" kasi nga mga ordinaryong pangyayari lang naman ung mga yon sa buhay ng tao. Pero para sakin, special yon.
Saturday, I came home from work at around 8:30 am. Sarado pa ang bahay, normal kase saturday, walang pasok. I ate pancit canton habang nanunuod ng tv - history channel, ang palabas e
Swamp People. Eto ung mga big guys na naka motor boat sa mga ilog at nanghuhuli ng mga aligators for a living. After eating, inantok nako so natulog nako. Nagising ako bandang mga 2pm na, wala ulit akong nakitang tao sa bahay. Normal ulit kase nga sabado, usually they go out. 3 pm pa ang out ni husband sa work, so i decided to wait for him na lang.
Around 3:30 dumating na ang jowa ko (mister pala).
...
(Napapakanta ako..
♫ We got the afternoon.. we got this rooom for two... ♪♩)
Mag aalasingko, nagluto ako at kumain kami. Yung kain kong un eh tanghalian, miryenda at hapunan ko na. Kase di na kami kumain nung kinagabihan.
Around 9 pm habang nagkkwentuhan kame, nag-aya lumabas si hubby (maisip-isip lang talaga!) as in lumabas for a drink. Sabado nights ba! E sabi ko maulan ulan, nakakatamad magcommute. Di naman kc kami pede magmototr kung iinom. So nauwi sa bumili na lang kame sa grocery store ng
Bacardi. Ka-join namin ang pinsan ko, naisip ko pang magpicture picture kase namiss namin si kuya ron. Ang pinsan kong nasa SG na ngayon. Madalas din kc namin syang ka-sabado nights dati.
Around 11:30 natulog nako, tinamaan na kase ako.
Sunday, I woke up around 5:30 am.. ang ginaw ginaw! Magdamag kasing umuulan. Nagising din si hubby...
Baket? MAH! = ) tapos...
Mga alas sais, naisip namin mag almusal sa peborit naming kainan sa pembo. Naglakad lang kami papunta don habang nakapayong kasi medyo umaambon saka para makapag lakad-lakad narin. Umorder sya ng mami with egg and beef [peborit nya un] at ako naman, lugaw - lomo with egg, at tig-isang puto. Nag-jeep na kami pauwi. Nung napadaan un jeep sa simbahan, nakita nya ung nagtitinda ng kakanin sa may simbahan (3 kanto mula sa bababaan namin)...
Hubby: baba na tayoMe: bakit?Hubby: (nginuso ung nagtitinda)Me: ok.. Hubby: bili tayo ng kakaninMe: takaw mo naman!At bumili nga kame ng tig bente sinko pesos na (syet! nakalimutan ko ulit ang tawag dun! ung orange na parang sapin-sapin?) saka palitaw. Sabay lakad pauwi.
Pagdating sa bahay, kinain namin ung kakanin. At busog na busog na ko kaya dalawang palitaw lang nakain ko. Inubos nya ung iba (takaw lang haha!)
Habang nanonood kame ng
The Sorcerer's Apprentice sa
StarMovies, maisip-isip na naman si husband..this time gusto nya mag mall at nababagot daw sya. "Mag date naman tayo" sabi ni husband. I liked the idea pero siguro may isang oras din kaming nagdecide kung aalis talaga at kung saan pupunta. Hanggang sa nagbibihis na kami, dun lang kame nagdecide finally na sa
MOA na lang kame ppupunta, magla-lunch at manonood ng sine.
Maulan pa rin kaya nag taxi kame. Hay salamat walang traffic! To think na Fathers' Day nun at Sunday, malamang maraming naglalakwatsa.
Pagdating namin sa MOA, alas dose na. Sabi ko bumili muna kami ng ticket para makapag ikot ikot pa kame. After bumili ng ticket, gutom nako. Sabi ko sa food court na lang kame kumain para mas madaming choices. Naglalakad na kame at tumitingin tingin sa mga food na naka display, nakita ko ung
Big (dko maalala kung
Joe's o
John's) Pizza Pasta, basta.
PIZZA PASTA! Un ung binabanggit banggit ko sa isip ko for about a month na ah! "Naneeh, pizza pasta!" (sabay nguso sa stall). Sa di kalayuan, nakita ko ang malaking bilog at makulay nilang pizza na naka display. Umorder kame ng isa nun, ung pepperonni with mushroom ek ek.. After 12 mins, tulad ng sabi ng kahera, binalikan ni husband ung orders namin.
Ayun na nga! nilantakan na namin ung 14" na pizza. Ung kalahati walang bell pepper, ung kalahati meron - akin yon. Di ko maintindihan kung bakit gutom naman ako pero napaka bagal kong maubos ung side ko. Naka 3 na sya, isa pa lang ako. AMBELIBABOL! To make the story short, 30 mins namin bago naubos ung pizza, alam kong naiinip na sya kc hindi ganun katagal ung normal naming kain. Eat and run kami eh!
Pagtapos nun, gusto nyang hanapin ung moto-world na ilang minuto pa kaming nag ikot ikot at di naman namin nahanap!
Sa pagiikot, nakakita pa kame ng mga nagfi-feeling
MMA sa ground floor. The gayest thing na nakita ko on that day!. Para kasing naglaro lang sya para maka hipo sa kalaban!
At dahil 2:10 na, pumunta na kame sa sinehan. Wow! ang haba na ng pila! Ilang weeks na ba palabas tong
Green Lantern at ganito parin kadami? Pagkapasok, umakyat kame sa balcony. Andami na ring nakaupo. Gusto nya sa may gilid para daw walang daan ng daan sa harapan nya. E kamusta naman, dko feel pag di naka center view sakin ang screen. So bumaba nalang kame. Dun sa may gitna pero malapit sa left isle. May mamang kalbo saharap ko at mejo mataas ung ulo nya kaya lumipat kame sa may likuran lang namen. Ok na kame dun.
Habang patalastas pa, may tumabi sakin sa right, girlaloo na may kasamang guy. Kwentuhan galore. Ang ingay nila! Humaharap pa ung babaita sa lalake na parang gusto nya ipakita ung bubelya nya!
Me: dapat sa bahay nalang sila, at nagkwentuhan noh?Naneeh: oo. eto din nasa likod ang daming comment amp*ta! (nasipa ata nung lalake sa likod ung sandalan nya nung dumikwatro)Naneeh: lingon sa likod ng masama..Me: hon.. sabay hawak sa kamay nya.Naneeh: ang likot ehMe: alam mo dapat nanood nlng tayo sa bahay ng DVD! (imbyerna)Nagsimula ang palabas. May point na akala ko
Star Trek pinapanood namin dahil sa itsura nung aliens, may point din na akala ko horror ung pinapanood namin! hahaha kase naman, andaming nakaka gulat na part sa umpisa palang! At nakakaramdam din ako ng nerbyos lecheng yan!
Natapos ung movie na hindi ko nakain ung baon kong
Clover Chips, busog pa nga kasi ako. Si winston nakaidlip ng konti. At nung credit na, sabi ng katabi ko, "un na un?" habang sa isip ko, nasabi ko rin un. Napakamot nlng ako ng ulo.
Lumabas na kame, di na kami nag ikot-ikot kasi 5pm na. Magsisimba pa kame. Nagtaxi na kami ulit dahil ang lakas pa rin ng ulan.
Nagsimba kame ng 6pm, nakabukas ang aircon ng simbahan. Kung kelan naman bumabagyo!
Pagkauwi, gutom na ulit ako. Dun namin nilantakan ung clover ko. Then nagdinner kaming lahat sa bahay. Mga 10 natulog nako.
Hanggang dyan na lang ung kwento ko. Kasi Nacover ko naman almost lahat ng detalye ng aktibidades ko. Sabi ko nga, parang typical weekend lang ang lumipas. Pero para sakin, parang haba ng weekend ko.
Oo, araw araw kaming magkasama. Pero iba talaga yung quality time. Saka feel na feel ko kasi ung "date" namin. Ang sweet nya the whole time. Parang magbf-gf parin kame kahit 7 years na kaming magkasama. Haay!
I'm in-love with my husband. ♥